iZNAB TV

Nov 27, 2007

ikaw lang ang maha by: crazymix

 crazymix
ikaw lang ang maha
buhat ng masilayan ka ay hindi na maalis
ang kasiyahang dulot ng pagmamahalang kay tamis
dina matiis ang bawat pag-ibig pagnakikita ka
lumulundag ang aking puso at walang kasing saya
sayo lang nakalaan ang bawat pagtibok ng puso
sana din na mapako sumpaan at ating pangako
pinangako sa sarili ng walang ibang iibigin
at sa dyos na may kapal ikaw lang ang tanging dalangin
sana na makasama ka hanggang sa pagtanda
ikaw lang ang mahal at sa bato iyong itaga
pag asa ka sa bawat pag sikat ng araw sa umaga
at sana paggising ko mga pangamba ko’y wala na
kung ako’y papipiliin gusto ko ay ikaw
at ayaw ng mangyari na din na kita matanaw
na baka isang araw ay bigla nalang gumuho
dambana na pag ibig na atin na itinayo

-=CHORUS=-

Sa aking isipan hindi ako nangangamba
Ikaw lang ang mahal at wala na ngang iba (2x)

Ikaw ang dahilan ng pagpigil ng patak
Ng luha saking mata at biglang nagbago ang takbo
Ng tadhana nung makita at masilayan ka
Kahit kaylan diko magawang magtaksil anjan ka
Saking tabi kapag kaylangan ko ng pagmamahal
At lagi kang kasama kapag ako’y nagdarasal
Dinarasal na sana lagi kang na saking tabi
Ang kalungkutan at sana’y aking maisangtabi

Gulung-gulo na ang isip ko nang ikaw ay lumayo
Ginawa ko naman lahat ngunit ako sayo’y nabigo
Kanino ba dapat ang pag-ibig na aking inalay
Minahal kita pero bakit sa iba binigay
Pinilit kong balik-balikan ang lahat ating ala-ala
Pero diko magawa na ang sarili lumigaya
Pano kaya ang gagawin ngayon ika’y wala na
Puro pasakit na lang ba ang tangi kong madarama

-=repeat CHORUS=-

Hindi na nga magiisip ng kung anu-ano pa
Basta’t minamahal kita yan ang pangako sinta
Dika na mag-iisa palagi kang aalalayan
At kahit anong mangyari di kita pababayaan
Ikaw lang ang mahal at wala ng iba
Paniwalaan mo sana ang ginawa kong kanta
Na para lamang sayo sana nama’y dinggin mo
Upang malaman mo na ikaw ay minamahal ko

Ngunit pano ko mahahagilap ang pagibig na hinahanap
Kung hindi kita makamit at lagi ko na lang pinapangarap
Ng makasama kahit kaylan kahit walang saglit
Sa puso at isipan ko’y hindi ito mawawaglit
Alam mo naman na ikaw lang ang mahal
Palagi ko ang dalangin sa may kapal
Na sana na tayong dalawa ay magtagal
Upang ako’y hindi na umaatungal ako’y sumugal
Palaging nasa isipan na ako’y iyong minamahal
Ngunit hindi ko manlang naisip na ako sayo ay maging hangal

-=repeat CHORUS=-

0 comments:

Post a Comment